"Ang AI Ready ASEAN ay ang pangunahing inisyatibo ng ASEAN Foundation para sa digital empowerment, na tatakbo mula 2024 hanggang 2026 sa tulong ng USD 5 milyong grant mula sa Google.org. Layunin ng programang ito na ihanda ang ASEAN para sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman sa AI at etikal na paggamit nito. Gagamit ito ng iba’t ibang konektadong paraan tulad ng pananaliksik, talakayan sa mga polisiya, inklusibong mga pagsasanay, at mga kampanya para sa pampublikong kamalayan sa rehiyon. Target ng programa na ma-inspire ang 5.5 milyong tao sa buong Timog-Silangang Asya na matuto tungkol sa AI. Bahagi rin ng inisyatibo ang pagsasanay sa 2,000 facilitator na siyang maghahatid ng malalim at lokal na mga sesyon sa AI literacy para sa 800,000 kabataan, magulang, at guro — lalo na sa mga komunidad na kulang sa serbisyo sa lahat ng sampung miyembrong bansa ng ASEAN."
Brunei Darussalam
Cambodia
Indonesia
Lao PDR
Malaysia
Myanmar
The Phillippines
Singapore
Thailand
Viet Nam