Humingi ng Tulong

01 Ano ang AI Ready ASEAN Programme?

Ang AI Ready ASEAN ay isang regional na inisyatibo ng ASEAN Foundation na suportado ng Google.org, na may layuning palaganapin ang kaalaman tungkol sa AI sa buong ASEAN. Sa tulong ng USD 5 milyong grant, layunin ng 2.5-taóng programang ito na mabigyan ng mahahalagang kasanayan sa AI ang 5.5 milyong tao—kabilang ang kabataan, mga guro, at magulang—mula sa sampung kasaping bansa ng ASEAN. Nilalayon ng programa na bigyang-kakayahan ang mga kalahok para makasabay sa digital na panahon at matutong gumamit ng AI sa responsableng at etikal na paraan. 

Alamin pa ang tungkol sa AI Ready ASEAN Programme dito.

02 Ano-ano ang mga Pangunahing Aktibidad ng AI Ready ASEAN?

Nakatuon ang programa sa limang pangunahing aktibidad:

  • Pagsasanay para sa mga tagapagsanay
  • Mas malalim na pag-aaral tungkol sa AI
  • Mga kampanyang nagpapalaganap ng kaalaman sa buong rehiyon
  • Mga pambansa at panrehiyong pagpupulong o konsultasyon
  • Pananaliksik tungkol sa AI sa loob ng rehiyon ng ASEAN

01 Bakit binuo ng AI Ready ASEAN ang AI Class ASEAN?

Para suportahan ang misyon ng programa na itaguyod ang responsableng paggamit ng AI sa mga kabataan, guro, at magulang, inilunsad ng ASEAN Foundation ang AI Class ASEAN — isang e-learning platform na ginawa para mas madaling ma-access at mapanatili ang kaalaman tungkol sa AI. Layunin nitong bigyang-kapangyarihan ang mga mamamayan ng ASEAN sa pamamagitan ng mga kaalaman at kasanayang kailangan para magtagumpay sa isang mundong unti-unting pinapatakbo ng AI.

02 Sino ang puwedeng matuto sa AI Class ASEAN?

Libre at bukas ang AI Class ASEAN para sa lahat ng kabataan, guro, at magulang sa ASEAN — kahit ano pa ang kanilang pinagmulan o karanasan.

03 Ano ang makukuha ko mula sa AI Class ASEAN?

Nag-aalok ang AI Class ASEAN ng iba’t ibang kurso at module tungkol sa kaalaman sa AI at mga kaugnay na paksa, na iniangkop para sa mga kabataan, guro, at magulang. Sa bawat kabanata, mag-aaral ka gamit ang mga materyales tulad ng presentation decks at training videos, sasagot sa isang maikling quiz, at makakakuha ng badge. Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng badge, maaari mong i-download ang iyong sertipiko ng pagkumpleto.

Magkakaroon ka rin ng access sa Smart Connect Hub, kung saan maaari kang:

  • Makatanggap ng real-time na tulong mula sa aming AI-powered chatbot
  • Makilahok sa mga interactive na talakayan sa community forum
  • Mag-aral gamit ang wikang komportable ka, dahil may suporta kami para sa maraming wika

04 Kailangan ko ba ng background sa teknolohiya para matuto sa AI Class ASEAN?

Hindi kailangan! Ang AI Class ASEAN ay ginawa para sa lahat — kahit wala kang karanasan sa AI o teknolohiya. Ang mahalaga lang ay ang pagiging mausisa at ang kagustuhang matuto!

05 Hindi ako bihasa sa Ingles. Maaari pa rin ba akong matuto sa AI Class ASEAN?

Oo naman! Ang AI Class ASEAN ay isang inklusibong platform na may mga content sa pambansang wika ng lahat ng 10 kasaping bansa ng ASEAN. Kaya’t kahit hindi ka bihasa sa Ingles, makakaaral ka pa rin sa wikang mas komportable para sa iyo.

06 Saan ako maaaring magtanong o sumali sa mga talakayan kasama ang ibang mag-aaral?

Puwede kang pumunta sa Discussion Forum ng Smart Connect Hub. Dito, maaari kang magtanong, magbahagi ng kaalaman, at kumonekta sa mga kapwa mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon — isang magandang lugar para matuto kasama ang iba.

Ano ang gusto mong itanong?

Kamusta, may maitutulong ba kami sa iyo?
You need to login to use this feature
Login Here
Powered by SEA-LION